Sa tuwing pinang-gigigilan ko sa umaga ang mga eggs ko. Minsan napapaisip ako kung baog ba ako o hindi eh. Kaya minsan gusto ko namang mag-experiment. Gusto ko naman gumawa ng maraming supling. Pang kaps Amazing Stories. Ay wala na pala si Bong revilla. Gusto ko ng ilaban sa giyera itong armas ko. Kaya kapag nakakakita ako ng mga tatay na may dalang baby sa mall. itinetext ko na agad-agad ang gf ko: "Cha, ihanda mo yung kwarto. patitikimin kita ng luto ng Diyos". Sagot nya "weeeh" pero kahit na anong pilit ko, ayaw pa rin niya, gusto pa rin niya muna talaga ng formal na kasal. Akalain mo nga naman. May balak pala to. Tiananong ko sarili ko pero di sumagot, eh paano naman kaya kung dumating ako sa puntong, matutulog na ang anak ko tapos magrerequest siya sa akin ng Story telling at kwentong Fairy Tales.
Ah ganito nalang, on-the-spot nalang, magfi-freestyle nalang ako. Magandang topic syempre yung medyo inspirational. Kapuplutan ng aral, Ayoko naman ng nakakaiyak. Baka lumaking emosyonal yung baby ko. Ma-entry pa yung buhay niya sa episode ng MMK. Nainspired din kasi ako, napakalupet ng tribute ni Mareng Beyonce sa anak niya sa VMA. Bahagyang pumatak ng konte yung luha ko. Tapos napuna ko, ang haba ng nguso ng asawa niyang c Jay-Z, torid siguro siya humalik kay Queen Bey abot hanngang pisngi. Saka lagi kang ituturo ng nguso nun kapag nagkakagipitan na.
Bueno, simulan na natin ang kwento.
Ang nakaraan..
Syempre galing akong opisina nakauniform pa. Papasok ako sa crib ng baby ko. Tatabihan ko muna siya sa kama hanggang sa makatulog. Syempre ang bata hanggang may ibang taong gising, gising din yan. Dito naman mangungulit ang anak ko.
Baby: Daddy, kwentuhan mo naman ako.
Ako: Anong gusto mo, baby?
Baby: Kahit ano, daddy!
Ako: Oh sige baby, pag tapos nating magstory telling, magssleep ka na. Promis yan ah.
Baby: Opo daddy.
Oh eto na nga,
Habang nagkukwento, titingin ako sa mga dingding nang medyo maluha luha.
Isang araw, sa kaharian ni Haring Kulubot ay mayroon siyang malubhang karamdaman. Kasama niya ang masugid at "tapat ng konti" niyang assistant na si Atok. Si Atok ay naninilbihan kay Haring Kulubot bilang isang technician. Kwento ng mga maid dun sa kaharian, nagkaroon daw ng affair ang asawa ni Haring Kulubot kay Atok. Pang Trophy Wife ang mga eksena. Walang ingay pero may tumotorotot. Yan ang tsismis ng mga katulong dun.
Pag dating ng hapon, kinausap ni Haring Kulubot si atok: "Halika dito alipin kong Atok, bukas na bukas ng umaga, gumising ka ng alas sais ng umaga. "
Dumating na nga ang umaga.
At madaling bumangon sa kama si Atok. at tinanong ang hari: "Amo, ano po ba ang gagawin ko?"
Sumagot ang hari: "Nakikita mo yang mga lupain na yan," (tumuro yung hari sa isla, nandun din yung asawa niya, nagsu-swimming.)
Sumagot si Atok: "ang puti puti talaga po ng pwet ng asawa niyo. Bilog na Bilog."
Binatukan ng hari si atok at sinabihan ng "Tarantado, asawa ko yan." at sinabi "dahil may taning na ang buhay ko. Ang gagawin mo lang, kunin mo ang batong hugis boomerang sa dulo ng isla na ito at bumalik ka dito ng alas kwarto ng hapon, pirmahan mo itong papel. Pagpapatunay na iyo na ang lupain ito. Hindi ko binibigay ang asawa ko sayo kundi ang lupain lang na ito. Nakasaad din dito na bawal mong lagyan ng lotion ang asawa ko sa swimming pool. Nagkakaintindihan ba tayo."
Nagsalita muli ang Hari: "oh cge, Lakad na atok".
At lumakad na nga si Atok. Sobrang excited. Sa paglalakbay niya, nagpaload pa muna siya, kinontak na niya ang mga kaibigan dahil balak niyang gawing BeerHouse ang lupang makukuha.
Isa-isang pinunit ang mga tiket ng LOTTO na tinayaan. Tinext niya na rin yung asawa ng Hari na magsasama na sila habang buhay. Forever na daw ito. Wag na siyang pumalag kumbaga.
Nang maalaala niyang kailangan niyang bumalik ng alak kwarto. Tumakbo siya ng mabilis na mabilis. Nung malapit ng matapos. Isang protractor nalang ang pagitan niya sa Finish
Line ng biglang bawian siya ng buhay. Lahat ng naroon sa finish line ay nalungkot kasi di niya rin pala dala ang bato.
At natulog na nga ang baby ko, pero inihian naman yung uniform ko. Basang basa na pala ako.
LESSON: Sa paghahangad natin, nagmamadali tayo at napupunta lang sa wala.
#Nagmamadali #Hari #StoryTelling
No comments:
Post a Comment