Tuesday, September 2, 2014

Lifetime na Biyahe



Kung talagang lehitimong tumatambay ka sa internet. Malamang familiar sayo ang Facebook, Tumblr, Tweeter, Instagram, Blogspot at kung ano-ano pa. Sa kweba ka nakatira kung di mo alam lahat ng yan. Tukmol. At sa lahat ng website na ito, wala pa akong narinig na "Oops, next week, time ka na boy. tapos na social life mo." Wala pa talaga. Hanggat di mo pa nakakalimutan ang account mo kasi gurang ka na, patuloy pa rin ang lahat ng ito. Dahil hindi na talaga matatapos lahat ng ito, mas madadagdagan pa at mas lalo pang gugulo. Aaminin kong masaya talaga ang social life. (sabay bawi)
At hindi lang yan, hindi rin maiiwasan ang mga friend mo sa internet na mag alok sayo ng "Biglang yaman", punta tayo tagaytay, kaen tayo sa J.co Donuts, basta lahat ng pwedeng ipost para lang masabing may maipost gagawin naten. Dun tayo masaya e. Edi dun ako. Di kita kayang iwan.
Ganun kasi ang buhay, tuloy-tuloy lang. Wag kang mag sasawa sa buhay baka ang buhay ang magsawa sayo.
Siguro nga, "we are such a lonely world" because we provide entertainment place, clubs & comic. Yun talaga yun eh, Oo nga pramis, lahat tayo gustong sumaya. Gustong matupad ang pangarap natin. Maabot ang mga bituin. Magtwerking sa kalawakan. Ngatngatin ang libo-libong perang inipon sa barat na kumpanya. Lahat ng ito ay parte ng buhay na ginagalawan natin. Kawawa ka nalang siguro kung hindi ka pa napabilang sa mga ito. Malala ka pa sa jejemon.
Hanggat hindi ka pa masaya, direcho lang, kahit na magkanda leche leche ba buhay mo. Kahit na napainom mo yung boss mo ng lason. kahit pa mawalan ka ng atay sa ginagawa mo, nasira mo laptop ng boss mo, Direcho ka lang.
Sa totong buhay, bawal ang segurista sa buhay kaya take risk. Tinatamaan ng kamalasan ang mga taong iresponsable. yan ang natutunan ko
Walang mangyayari kung hihinto ka lang. Naalala ko yung kwento saken ng Bestfriend ko na seaman. Sa barko daw, syempre seaman yun eh, kapag nasa gitna na daw sila ng dagat at inabutan sila ng 5times na laki ng Philippine Arena na Bagyo, ang tanging gagawin lang daw ng kapitan ay dumirecho. Bawal ihinto ang barko kasi may tendency na lumubog ito. Bouyancy ba.
Ganun din talaga sa buhay, hindi ppwedeng tengga ka lang. Kailangan madiskarte ka. Kahit pa offeran ka ni Don Facundo ng 1million kasi pa-bente bente lang ang dinudugas mo sa kanya. Wag kang papayag. Sabihin mo. "Don, Facundo, hindi mo mabibili ang diskarte ko."
O kung hindi naman, sa di sinasadyang pagkakataon, nasira mo yung salamin ng kotse ng boss mo, sirain mo na lahat, dahil tutal for sure ipapasok ka niya sa bote ng shampoo kapag nakita ka niya. Ang lesson dun, itodo mo na.

What a wonderful world.

#LifeTime #BenEstrella

1 comment:

  1. Are you looking for free Google+ Circles?
    Did you know you can get them AUTOMATICALLY AND ABSOLUTELY FREE by registering on You Like Hits?

    ReplyDelete