Kasi mahal na mahal ko ang sarili ko. Er Lerv Et. Sabi ko nga eh. Ako na siguro ang pinaka-winner sa pamilya namen. Isipin mo, sa milyong milyon na pinakawalang semilya ng tatay ko,yung parang nagpakawala ng tubig sa lamesa dam. Ganun na ganun. Napakamapalad ko kasi, milyong semilya ang tinalo ko at nabuhay pa rin ako. Diba!
Ngayong araw naman nato. Linggo ulit. Infairness di na ko nakakapagsimba. Pero malakas pa rin ang Faith. Hindi ito religion ah. Kundi malakas na pananampalataya sa Diyos. Humuhugot nalang ako ng lakas sa mga taong nagmamahal sa akin at tiwala sa sarili ko. Hindi na rin kasi ako naniniwala sa hope. Feeling ko kasi para akong namamalimos sa pag-asa na sinasabi nila. Nagkataon lang na dito ako pinanganak sa Pilipinas kaya Kristiyano ako. Malamang kung sa Iraq ako isinilang, pinatay na ako ng ISIS, hinde. i mean ganun din ang paniniwala ko. Hindi kasi patas kung Kristiyano lang ang maliligtas. Paano na yung mga malalandi kong kaibigan. Worried ako sa kanila kung sa rainbow lang sila or sa poer ni Santanas, hindi pa naman sanay sa init yung mga yun. Paano na yung malalakas na uminom na mga tropa ko. Paano na yung mga entertainers na walang ginawa kundi rumaket ng rumaket. Isinasama na minsan ang kaluluwa. Kumita lang ng pera. Paano na ang iba kong mga kababayan. Paano na yung mga taong nagmamahal lang. Pero hindi Kristiyano.
Hindi ko naman gusto ang mga kristiyano. Mahal na mahal ko sila kasi jan ako galing. Minsan lang talaga. Naguguluhan na ako ng sobra sa salvation na yan. Sarili ko nga, halos ilang taon akong nag-ilusyon masabi lang na linggo linggo may pinupuntahan akong simbahan. HIndi ko pa rin maligtas sarili ko.
Ganun pa man, tuloy pa rin ang masayang biyahe ng buhay ko. Igagapang ko sa hirap ang mga pangarap ko. Iwworship nila ang Legacy ko. Joke. haha
Simple lang naman ang gusto ko sa buhay. Medyo cheesy pakinggan. Pero gusto ko talagang magmahal. Mahalin ang mga ginagawa ko. Mga bagay na hindi kayang tumbasan ng salapi ni Gokongwei. Ewan ko ba sa pag-ibig na yan. Nilulunod ako eh. I want to know what love is. I want you to show me.
Wala naman kasing nagsabi sa akin noon na paglaki ko, wala ka ng ibang gagawin kundi magtrabaho. Ayoko nun. Buong linngo. Buong Buwan. Buong taon. Yung kikitain ko ay mapupunta lang sa materyal na bagay na hindi naman ako masaya. Mag iinvest ako sa ganun.
Gusto kong mabuhay sa pagmamahal. Gusto kong kagatan tong mundo na ito, parang logo ng Apple. Tapos yung kagat na yun nanamnamin ko. Yun ang marka ng ginawa ko dito sa mundo.
Kaya ngayon sa harap ng salamin. Nangangako akong
1. Kalimutan na ang nakalipas. Punyeta!
2. Yayakapin ko ng husto ang buhay na binigay sa akin.
3. Lahat ng nakakagoodvibes at nakakagwapo. sasabihin ko sa saili ko.
4. Ipipikit ko ang aking mga mata, para mabuksan ang aking kaluluwa.
5. Pipiliin kong mabuhay ng tama ng na-aayon para sa akin.
6. Hindi ko na uulitin ang maling desisyon last week.
7. Iiwasan ko magrespond ng pagalit. Sila kasi eh. haha
8. Walang ng makakanakaw ng gintong ngiti ko. Nakakahawa kayo tong smile ko.
9. Isang handog ako dito sa mundo. Magsisikap pa ako.
10. Handang handa na ako ngayon.
I'm gonna make a change
For once in my life
It's gonna feel real good
Gonna make a difference
Gonna make it right..lalalalalalalala
Masaya ako dahil kumakanta ako hindi dahil kumkanta ako dahil masaya ako.
#Change
Hindi lang ikaw ang humaharap sa salamin at nakikipagkwentuhan sa sarili... ako rin! At sila hahaha. :) Nakakatuwa yung ganung tagpo sa buhay.
ReplyDeleteButi ka pa concern sa malalanding kaibigan, hayaan mo lahat ay may lugar na pupuntahan, secret nga lang kung saan. :)
Okay na sa akin na tumbasan ng salapi ni Gokongwei (sino ba siya? lols) o ng kahit sino pang business tycoon (mukhang pera hahaha).
Nakaka-good vibes naman ang nakatala sa iyong listahan. Good luck, I hope you can make it, you know! Hehehe :)
Salamat sa comment mo pareng jep..Mabuhay ka :)
Delete