Gabi-gabi nalang sa tala ng buhay ko. Lagi ko itong ginagawa. Ito na ang daily routine ko buong week. Kapag nakahiga na ako, automatic na maaalala ko na kailagan kong mag-alarm para bukas. Naging habit ko na siya.
Honestly, hindi pa naman nangyari sa akin ang malate sa work ng dahil hindi nakapag-alarm. Kapag nakaugalian mo na siya. Automatic na gigising ka talaga eh. Sa ganung oras. Yun nga lang minsan, yung pautang na 5minutes, "uuuuurrrrg, wait, idlip pa ko ng 5minutes." Hanggang sa naging 30 minutes. Ang resulta, maghalf ka nalang dudong.
Nakakatawa pa nga minsan, ise-set ko yung alarm clock ng phone ko:
4:45am,5:00am,5:15am,5:30am,5:45am at 6:00am. Seryoso nga. Ang dumaang limang snooze, eh binalewala ko lang. Dapat 6:00am lang talaga ako ng alarm eh. Maganda na rin yung sure.
Siguro sadyang makulit lang talaga ako. Kaya gusto kong unlimited ang kulitan.
Yan naman ay routine ko. Ang pinakatopic talaga ng poste na ito, tungkol sa mahiwagang alarm clock.
Dun, dun, dun, duuun.
Nagtataka lang kasi ako bakit alarm ka pa. Kinausap ko kasi si Pareng Google. Ang sabi niya sa tagalog daw ng alarm ay babala, kaba, pangamba, Pagibík gulat; guló, lumigalig, alarma; hudyat; ng hudyat; babala; hudyatan; kaba; ng hudyatan; pangamba; kaingay.
Waaaaah. Unang pumasok sa matalino kong isipan, bakit nakakatakot masyado ang alarm. Para bang may babala sa buhay mo, kukunin ka na, kailangan mong mabahala, mataranta,at mangamba pagmulat kagad ng iyong malaking mata.
NapakaNega naman ng inventor nitong "Alarm clock". Pwede namang "Opportunity Clock. Oo, sabihin na nating masakit talaga sa tenga ang alarm pero kung ang perspective natin sa isang bagay kumbaga mind over matter ay positive. Positive din ang magiging resulta nito sa atin.
Hayaan na nga lang natin sila, nanjan na yan eh.
Baguhin nalang natin siguro yung projector ng mga mata natin sa mga kaganapan. Mga bagay na wala pang paliwanag tulad ng mga kababalaghan sa mga komiks.
Better kung paggising mo, bubungad ang babae na nakasakay sa puting kabayo. Kumikinang siya sa ganda. Mag-iiwan siya ng isang kataga: Alarm clock ka ba? Syempre sasagot ka, baket? ikaw kasi ang gusto kong unang patayin sa umaga eh. Pero biro lang yun. Babanat ulit siya, Hinde ito talga yun:
Ginising mo kasi ang natutulog kong puso. Siya pa mismo ang magbu-BOOM.
Ang katotohanan na nakapaloob sa Alarm clock na ito, naiirita ka man pakinggan ito sa umaga kasi ikaw din mismo ang nagset ng malakas na volume pero gigisingin ka naman nito sa mga goal mong dapat tapusin at muling bumalik sa realidad. Bilang lalaki,tulad din ito ng girlfriend ko eh, Nakagawa kasi ako ng mabigat na kasalan sa kanya, at ako na mismo ang nagdesisyon na maghiwalay na kami dahil kahit kanino man itanong ang ginawa ko. Talagang nakakahiya sagad hanggang buto
ang shame. Pero para pa rin siyang alarm clock kahit na isnooze ko parin. Alarm pa rin siya. Paalala parin sita ng paalala na maaayos ang lahat. Tatanggapin niya ako at
magbago lang ako. Ito na ang pinangarap kong babae, yung parang aso't pusa kame pero at the end of the day. Hindi namen matiis ang isa't isa kasi mahal ko siya at mahal niya ako.
#Alarmclock #Opportunityclock
No comments:
Post a Comment