Ano ba ang magandang gawing gasolina sa utak bago ito magstart sa umaga? Ano ba ang magandang entrada bago umalis ng bahay? Ano? Ano? Sagot!!! Monday na naman ba? Trabaho na naman? Pagpe-Facebook na hindi mo na namamalayan na 5pm na naman ba? Hihinto na naman ang MRT mamaya. Yan ba? Sana makasabay ko si crush ngayon, at aalukin ko siya ng Tilapia ko, mabagal na naman internet sa opisina, wala pa rin yung prof namen sa chem, #Bermonth na. Ganun?
Well, tayo ay isang individual. May kanya kanyang pag iisipin na tayo lang mismo ang makakapagdikta. Pwede ding ibang tao kung wala kang pake sa sarili mo. Kasi hinahayaang mong diktahan ka ng iba. Dahil ang tao ay controlado ng tao. Tandaan natin yan. Lahat tayo may karapatang umibig. Sabi nga ni Maja Salvador sa kanta niyang Dahan-dahan, “Pwede bang Umebeg ng hindi nasasaktan? Pwede sabi ko.
Samakatuwid, aandar pa rin ang MRT kahit na tamad ka. Magpapapayat pa rin si Ate Sharon kahit na batugan ka. Magpapakitang #Gilas pa rin si Sen. Mar Roxas kahit na wala kang trabaho at nasa bahay ka lang. Magta tax pa rin si Kim Henares kahit na joke lang yung mga pinopost mong religious verse sa facebook. Ang point ko dear brothers & sisters, iikot pa rin ang mundo kahit kutong lupa ka lang sa mundo na ito.
Pero ang tanong, may naiambag ka ba? Syempre tatanungin mo ko malamang kung saang ambag ito. Syempre sa mundo ito. Nakatulong ba yung sinasabi kong gasolina sa utak bago ito magstart sa umaga? At anong kinalaman ng pagkilos ng mundo sa umagang gusto kong tahakin.
To make a long story short bebeko, napakahalaga ng itatanim natin tuwing umaga. Hindi lang tuwing umaga kundi kahit anong oras pa kung hindi ka busy brad. Ipinunto kong sa umaga mas maganda magmindset dahil dito pa fresh ang mga ugat sa utak naten. Kahit pa naguluhan ang utak naten sa kwento ng panaginip naten kagabi, pero pag gising niyan, handa ng makinig yan. Sa umaga masarap magmeditate kasi dun yung mga oras na tilaok pa lang ng manok ang maririnig mo hindi megaphone na bunganga ng nanay mo. Kapag malamig pa ang panahon at mas nauna nang nagising yung pototoy mo, blessing yun. Sa umaga den, maaliw ka kay Arn-arn sa unang hirit at sa umagang kay ganda naman ay yung bigote ni Ariel Ureta parang kay Borat. Tapos makakasalubong mo pa si Sen Bam Aquino sa kanto dahil may project siya. Magtataka ka syempre diba. Kumikilos pala siya. Nainspired nga ko kay Pareng Dong Abay nung sinabi niyang nag gigitara siya tuwing alas kwarto ng madaling araw. Dun daw bukas na bukas ang anet niya este diwa niya. Napag isip isip ko. Oo nga no, kung masipag lang ako, kung lang naman, eh gagawin ko yun, pero hindi mag gitara kundi magsulat lang. Malay natin sa oras na yun, lumabas si Albert Martinez na may dalang karet o di kaya si Tata Lino kausapin ako, bigyan ako ng supplement quotes.
Mabalik tayo sa pinoste kong tanong sa una. Nakatulong ba yung sinasabi kong gasolina sa utak bago ito magstart sa umaga? Marahil bagamat sa bagal ng oras dito sa Planetang Earth at mabilisan naman tayo dapat gumalaw. Ang dami nating iniisip, ngunit subalit datapwat, kung maglalaan tayo ng 5minutes para kulitin ang mga hormones natin sa katawan para tuluyang magising ang diwa natin. Malaking tulong narin. Kaya Fo me, Ang tanging itatanim ko lang sa utak ko sa umaga habang nakaharap ako sa salamin. Sasabihin kong, “Ngayon araw na ito, hindi na Ben ang itatawag nila sa akin kundi “your highness” na. Pati boss ko, yan ang itatawag niya sa akin. May malaki akong purpose dito sa mundo. Hindi lang makapagpakilig kundi magbigay ng kurot sa bawat binibitawan kong wordplay”.
#MorningGlory #BenEstrella
No comments:
Post a Comment