Mam, hindi po ibig sabihin na pare-pareho kami ng sagot eh nagkopyahan na kami. May tamang sagot ba na iba-iba? Ano to, originality?
Trending ito sa Tweets of the Week ng twitter. Ang SOTTOcopy meme.
Kaya bigla kong naalala ang mga pagkakamali ko noon.
Edi pinamimigay na ng guro ang test paper by row. Dapat nakahanda na ang 2pesos mo, kapag wala pa sa desk mo ang barya mo, hindi ka mabibigyan ng papel. Ako naman si tarantado. Siyempre usong uso noon ang Cheating Arrangement. Ipu-pwesto ko na ang chair ko ng tago. Yuyuko ng konti.
Naka-pwesto na rin ang tatlo pang kokopya sa akin. At pina-porma na rin namen ang magpapakopya samen. Siya ang The source. Syempre parehas kameng bantay salakay ng teacher ko Kapag titingin ako. Mahuhuli ko din siyang nakatitig sa akin. Kampante akong hindi niya ako nahuhuling nangongopya kasi natatakpan ako nung nasa harapan ko. Iikot siya. Lalakad dito. Lalakad doon. At nung pasahan na. bigla niyang pinunit ang test paper ko. Halaaa. Sobrang nagulat ako. Maraming nakakita. Hiyang hiya ako sa nangyari. Umuwing durog ang damdamin.
Pero matigas pa rin ang ulo ko. Kinabukasan hinarap ko siya. Nagdala ako ng bomba. De Joke lang. Tinaymingan ko na walang classmate na makakakita sa oras na yun.
Naglagay ako ng luha sa mata ko. Para convincing ang drama.
Matanda na siya at siguro nakalimutan na niya ako. Hindi kame close. At wala akong paki sa kanya..hahahaha
Hinding hindi Hinding hindi ko makakalimutan ang usapan namen nato dahil kinuwento ko din ito sa classmate ko at lagi namen itong napag uusapan sa inuman.
Eto yung nangyare..
Tinanong niya ako kung bakit daw ako lumuluha.
Sasagutin ko sana ng Tears of Joy po ito. Ang lupit niyo mam eh. haha Hinde! ang sinagot ko nalang "ako po yung nag iisang winasakan niyo ng papel kahapon.".
Sabi niya "ah ikaw ba yun? wag kang mag-alala, hindi ka nag-iisa. Marami kayo. Wag ka madepressed."
Ngek sabi ko..
Bumanat ulit ako. " Hindi niyo po ba alam na matalino ako sa lugar namen?
Barado pa ren ako, sabi niya: "talaga? buti ikaw alam mo, ako hinde.
Di nalang ako pumalag..sinabi ko nalang sa sarili ko.
"Sabagay araw niyo ngayon. araw ng mga dukha". haha
Nagsalita na siya ng matino. Nahuli niya daw akong nagchi-cheat sa klase. Parehas kame ng sagot ng nasa harap ko.
Aba malupit ata ito. Hindi pa rin ako nagpatalo. Sa seryosong pasalita. Ang sabi ko: "Mam, hindi ibig sabihin na pare-pareho kami ng sagot eh nagkopyahan na kami. May tamang sagot ba na iba-iba? Ano to, originality?"
at ang sagot niya saken:
Lesson: Learn to be honest with yourself, before you expect others to be honest with you.
Kaya hindi ako magtataka kung bakit hirap ako humanap ng work dati. Hindi ako sanay ng walang kasama lumakad ng papeles. Feeling ko dinadaya ako ng tadhana. Feeling ko may something na mali sa akin. Tama nga yung feeling ko. Napakasinungaling ko. hahah Natigil lang ito nung college ako nung narealize ko na ayokong matulad kay Tito Sotto. Tinutukso akong kopyador. Kaya pinagbuti ko nung college. Napagtanto ko na ang tunay na sikreto ng tagumpay ay pagsisikap at patuloy na pagbangon sa bawat pagkakamali. Mas mabuti ng mamatay ka sa diabetes. Mamatay sa tamis. Lahat ng bagay, pinaghihirapan. Kasi hindi mo masasabing "Matamis angTagumpay" kung walang paghihirap na naranasan.
#Kopya
Dapat talaga hindi tayo nangongopya hahaha :)
ReplyDeleteNaalala ko tuloy nung unang araw ng klase, tinanong ko ang mga estudyante kung sino ang mga nangongopya... taasan naman ng kamay... mabuti na lang honest sila lols. Tinanong ko sila kung normal ba yung ginagawa nila... di makasagot... ako na nagsabi na normal lang naman ang mangopya... natuwa ang mga loko hahaha. Pero nung tinanong ko kung tama ba ang gawaing ito? Doon na nila napagtanto... na hindi dahil normal o ginagawa ito ng marami ay tama na ang isang gawain. At nakapambola ako ng kaunti hahaha.
Kaya tuwing may quiz, lagi ko silang hinahamon na sumagot sa sarili nilang kakayahan dahil pare-parehas naman tayong biniyayaan ng utak lols. Ayun... sa iba tumalab... yung iba 'on the way' hehehe.
First time ko ata mag-comment dito ( o mag blog hehehe).
Uuuy thank u sa Comment jep buendia..Nakakatuwang honest sila nung tinanong mong nangongopya ba sila! haha..Isa ka palang magandang halimbawa..Naks !! tingin ko magiging isa kang magaling na Leader..Thank u sa comment friend..:)
Delete