Susunod ka ba dito o hinde? Familiar ba?
Sobrang dami ng bawal sa mundo. Rules dito, rules doon. Ang
batas niya ay iba sa batas ko. Sayo ang Cavite, akin ang Tondo. It’s a free
country nga ba ang ating Lupang Sinilangan o limitado lang talaga ang mga kilos
natin dito. Kung ako naman ang tatanungin, bilang isang makasalanang tao na
umiibid sa lahat ng nilikha ng Panginoon. Ang sabi ng aking flesh ay: Masarap
ang bawal. Sinagot ko na ang GF ko pero ito, wala pa rin kasagutan kung bakit
masarap ang bawal. Walang tao hindi naghangad ng maayos na pamumuhay. Matino.
Matiwasay. Umuunlad. Ngunit kung walang bawal sa mundo. Tiyak para tayong mga
bulateng nakatitig sa atin ang Diyos na naguguluhan sa atin.
Sa mga alagad naman ng pag-ibig. Masarap daw maging tanga sa
pag-ibig. Tama nga si Papa Jack, we are hopeless romantic. Lahat ibibigay.
Lahat isusugal. Walang ititira. Dahil ang bawal minsan ay nagbibigay din ng
malaking kaligayahan. Magbubunga nga lang masama o mabuti, depensa sa iyong
ginawa. Tulad ni Eda na pinagbawalan na kainin ang prutas. Dahil makati siyang
babae, kinain niya pa rin at inalok pa si adan. Nadamay tayong mga lalaki. Yan
ang tinatawag na FRUITStitution. Ang simula ng kasalanan ay ang KUMAIN. Sumunod
ang magturuan, nagturuan si Eba at Adan.
Inaamin ko, kapag lagi akong pinagbabawalan, mas lalo ko
pang gagawin. Siguro ayokong nasasakal ako. Ayoko ng masyadong dinidiktahan ako
sa buhay. Oo, alam ko bawal, pero di ako tanga para ulit-ulitin pa na bawal
yun. Kaya magexpect ka na kapag pinagbawalan mo ng husto ang kapartner mo.
Mag-iiwan ng bomba yan. Parang suicide bomber, tipong kayong dalawa ang
masasaktan at masusugatan dahil sa paghihigpit na yan. Hindi masamang magbigay
ng pagbabawal. Pero pwedeng yung tamang limitasyon lang. Pwedeng maghigpit.
Huwag naman yung hindi na makakahinga. Pwedeng maglagay ng rules pero
pangkalahatan naman. Pwedeng magbigay ng palugit pero wag ng hayaan siyang umulit.
#MasarapAngBawal
No comments:
Post a Comment