Kahit na nabagyo ng konti. Parang sariwang sugat ang mukha ko ngayon umaga. Nagnanaknak sa gwapo. Good vibes ang gising ko ngayong Sunday. It smells like teen spirit kumbaga.
Yung pagising ko may panis na laway pako at muta pero pagtingin ko sa salamin ma-appeal pa rin. Freeeesh! Tulad ng araw-araw kong routine, babanggitin ko ang declaration ko sa harap ng salamin, “Ako ang magpapakilig sa mundo ito. Beng! Beng!”. Haha
Kung may Genie lang ngayon sa tabi ko, ang hihilingin ko ay “pa-pangitin ako”. Ang tagal ko ng naghahanap ng pampa-panget. Wala pa rin ako mahanap. Siguro sumpa talaga to or galit ng langit. Hashtag PambatoNgPasayForPBB6 na ituuuu.hahaha
Napatingin naman ako sa orasan. Aba! 5:30am palang pala. Dalawa lang ang option ko. Either mag-gym ako or magjogging. Kapag nag-gym naman ako. Inaalala ko si James Reid. Baka mawalan siya ng work kapag gumanda ang hubog ng katawan ko at makapasok ako sa showbiz. Hindi biro yun ah. Lumobo na ng 300,000 people ang unemployed sa Pilipinas. Nababahala ako sa batang iyon. Hahaha. Kapag nag-jogging naman ako. Magiging same na kame ng bewang ni Jeron Teng. Pwede din. Sige! sige! yun nalang.
Kaya pansamantala ko munang iiwan ang hacienda. Naligo ako. Naghilamos ng Nivea. Nagwisik ng Victoria Secret Endless Love.Nagdala ng 50 pesoses. At lumakad nako. Nung medyo nakalayo layo nako sa bahay. Nako! Nakalimutan ko ang headset ko. Balik tuloy ako. Alis ulit ng bahay. Sige na nga. Magstart nako magjogging simula bahay hanggang PICC. Kumakanta ako ng Rude of Magic. hehe
Kelan kaya darating ang panahon na lalabas ako ng bahay, para akong pupunta sa Concert. Nagkakagulo ang sambayanan. Mahaplos lang ako.
Sa wakas, nandito na ako sa PICC. Game takbo na. Yahooo.
Stretching muna. Naka limang ikot lang ako. 30 push ups. 10 jumping jacks. And then, indian seat na natatae.
Dahil hindi ako nagdala ng water bottle. Uminom nalang ako malapit sa Star City. Kunyare kakaen.
Napansin ko. May isang matandang babae at binatilyong lalaki. Lumapit ako kasi parang nagtatalo sila. Baka din kasi business at kumikitang kabuhayan ang topic, kaya makiki-isyoso ako. Napasin ko si Lola, may inaalok na personal relationship daw. Aaah ito yung Christians. Sa buong pahayag niya, sabi niya, “Gusto mo ba ng personal relationship kay Jesus”. Ang lalaki naman, parang naiinis at nakukulitan. Yung itchura niya para siyang bandido. Tuloy pa rin sa paglalakad ang lalaki habang kinukulit siya ng matanda. Napatid na ata ang pasensya, nagsalita na si kuya na “Ayaw mo talagang tumigil? Gusto mo makatikim ng personal relationship kay Rolando Navarete!?” na nakaturo ang kamao ng lalaki sa matanda.
Grabeeee. Ngayon lang ako nakarinig nun ah. Napa-iling ako at sabay sabing ShutangInaBeks.
Lumapit na ako, medyo inawat ko sila. Ang laking gulat ko na pati ba naman ako nadamay. Nagtaas ng boses at nagsalita ulit. “Kayo! Kayo!. Kayo ang walang Diyos!” And ang pinaka-climax pa nito. Mantakin ba naman na ako pa daw ang walang kinikilalang Diyos. Ang toroy ni Koya, Sa loob loob ko . Hala, ayos, damay-damay koya!?
Gusto kitang....
"Why you gotta be so RUDE? ….koya" .. Ito yung That "ang-ganda-ng-hangakin-ko-pero-hindi-niya-naappreciate" feeling.
Nawala tuloy yung goal ko na magpaganda ng katawan. Bumili nalang ako ng taho. Lokong lalaki yun.
Wag na wag siyang tatapak sa pasay. Gagawin ko siyang persona non grata. Gagayahin ko yung sa Bulagaan, babatuhin kita ng cake. Gagamitin ko yung kay Nancy Binay.
#WalangDiyosDaw #Jogging
No comments:
Post a Comment