Thursday, September 11, 2014

INFORM KITA KAPAG DEADS NA SIYA!

Ano ba ang dapat pagtuunan ko ng pansin ngayong September?

Mukha naman akong tanga kung magpapagoyo pa ako sa “World Famous Illusionist na si David Blaine dahil magpe- perform na siya mamaya, Sept 12 sa Smart-Araneta. Wag kayo pumunta. Joke! Eh kala ko nga si Kris Aquino lang ang famous illusionist sa mundo, meron pa pala. Kahapon, marami na siyang pinakitang demo ng mga tricks sa mga social media. Hinihintay nalang talaga ng mga Pinoy na masampulan sila ng pick pocketing ni David Blaine sa Legal na paraan. Better siguro kung iyoyotube ko nalang ang gagawin niya dito.

Marami rin akong napansin na pumapag-ibig ngayong taon, i mean taon-taon kaya siguro naging mabenta rin ang Boyz II Men nakaraang September 6 sa Smart Araneta. Siguro naging no boyfriend Since Break na sila. Pero favorite ko pa rin ang “On Bended Knees”. Magkano rin kaya ang ticket nila kumpara sa pagda-download ko ng kanta sa Youtube Downloader. Diba?

At Paparating naman ang All of Me ni John Legend sa September 26. Dun din sa Araneta. Pwede mo rin itong idownload nalang sa net! haha

Oh kaya makiaalam nako ngayong September sa kickback ni VP Binay sa bawat Makati Projects. Pati ang Birthday Cake ni Nancy Binay na ipinapadala sa mga senior citizen na rehistradong botante sa Makati. Tutal kaya ko namang tibagin ang Binay Dynasty eh. Ma-impluwensiya naman ako eh.

Oh kaya naman, tumutok ako sa magiging The Next Miss World Philippines 2014. Kung si Roxanne Cabanero lang din naman ang mapipili dahil sa kanyang inner statement na “beauty queen by heart”. daw siya. Sssh!! kay Denice Cornejo nalang kame.

Huwag nalang siguro. Sa Awareness month nalang ako magpapakabibo.

Minsan kailangan ko ding maging educated eh. Kailangan ko at natin maging mapanuri, mapagmatyag, mapangahas at maging Matang lawin. Ngayong Sept, ito ang mga nakaline-up sa DOH annual calendar.

1. National Epilepsy Awareness Week
2. Obesity Prevention and Awareness Week
3. National Suicide Prevention Week (Ngayong Week)
4. World Suicide Prevention Day
5. World Heart Day
6. World Rabies Day

Bago tayo dumako sa mahahalagang awareness na yan. Mas maganda siguro ang kwentuhan kapag sisimulan natin sa History ng September sa Pilipinas. Alamin natin mga kosa.
Kung meron kayong bolpen or cellphone. Mas maganda na magtake down notes kayo. Kasi may quiz tayo mamaya. At for sure, ittreasure niyo ito sa pagtanda niyo.

1. Noong September 1, 1939, nilusob ng hukbo ni Hitler ang Poland nong World War II sa Europa.
2. Noong September 5, 1997 namatay naman si Mother Teresa sa edad na 87.
3. Noong September 9, 1976 namatay din ang pinuno ng Communist China, Chairman Mao Zedong.
4. Kaarawan naman ni Ferdinand Marcos ay September 11 at ang American writer na si Truman Capote ay September 30.
5. Nooong September 21, 1972 naman pinaliwanag ni President Marcos ang kanyang "New Society" plan para sa mga ordinaryong Pilipino.

Sadya itong in no particular order para medyo masaya.

Balikan natin ang "National Suicide Prevention Week" ngayon buwan ng Setyempbre. Sabi sa pag-aaral, sa mga edad 24 pababa, tumaas ang suicide rate sa Pilipinas sa nagdaang 21 years.

Sa pinas, nakatala na kadalasan ang mga nagsu-suicide ay sa buwan ng tag-init o summer. At sa kanilang pag-aaral, noon kapag walang tao sa bahay puro kahalayan ang nagaganap ngayon naman ay suicide na. Ang mga batang iyon ay nilalason nila ang kanilang sarili, nagpapatiwakal,at kung ano-ano pa.

Hindi ko malilimutan ang dalawang incidente tungkol sa suicide last year 2013 lang. Ang batang babae na nagsuicide dahil binully sa kanyang selfie at ang UP student (Lorena) hindi nakapagbayad ng tuition fee kaya nagsuicide.

Hindi ko malilimutan ang scenario noong bata ako habang umaakyat lamang ako sa bubong namen kasi gusto kong mag-saranggola. Nadatnan ako ng nanay ko kasi nagsasampay siya sa labas. Nagsi-sigaw ba naman na "Magpapakamatay ka na ba?". Naglabasan tuloy ang mga kapitbahay. Sabi ko hawak ko lamang po ang tali ah. Wala po akong masamang hangarin. Nag-aaral po ako ng mabuti. Matino akong tao.

Ayun. Gulpi pa rin ang inabot

Ano ba talaga tong suicide na ito?
Karamihan sa gustong ng tumira sa ataol ay tinutuloy kagad nila ang pagpapakamatay. Kaya yang mga babaerong lalaki na gustong tumalon "daw" sa building dahil nahuli ng asawa. Utot niyo. palabas niyo lang yan. Kasi ang mga taong tunay na nais ng mawala sa realidad. Sila yung mga taong hindi na humihingi ng tulong. Minsan kasi wala na silang option. At hindi porke hindi sila humihingi ng tuloy ay hindi na natin sila tutulungan. Ngunit kung pipilitin nating makipag usap sa kanila tungkol sa kanyang nararamdaman at naiisip, maaring makasave tayo ng buhay.

NAPAPANSIN KO LANG:
1. Yung mga taong nagsasalita tungkol sa suicide ay hindi itinutuloy. Nagbreak kasi kame dati ng gf ko. Sabi niya. Sige ka, kakaen ako ng bubog. pero hanggang ngayon, wala pa rin. Nagbibigay lang ng clue or signs sila. Mga senyales lang. And that's it. 
2. Yung mga gustong magpakamatay, serious lang sila, hindi sila psychotic o baliw baliw. Siguro naisip nila, baka pigilan pa sila sa kanilang balak.  kaya tipsy lang dapat. 
3. Hindi totoong ang mga taong magsu-suicide,wala ng makakapigil sa kanila.  Kasi mixed emotion sila. Maaring naguguluhan pa sila kung gusto na nilang mamatay o mabuhay pa. Ang gusto lang naman nila, mabawasan ang sakit na nararamdaman nila, hindi ang mamatay. 
4. Hindi totoong ayaw nilang humingi ng tulong sa mga doctor or kaninong tao. Marahil dahil sa problemang kinakaharap nila, napagod lang siguro silang magsalita. 
5. At kung ididiscuss mo sa kanila ang pagsusuicide. Mas makakatulong pa iyon para mapigilan ang pagsusuicide nila

Syempre, hindi naman tayo doctor o kaya psychologist para makialam sa taong gustong magsuicide. Ngunit mayroon silang binibigay na senyales kapag nais na nilang iwan tong mundo nato. At kung naipit ka na sa gitna ng sitwasyon at nakakita ka ng taong gustong magsuicide. Mayroong paraan para magresponds sa mga signs na ito. Tandaan: Hindi lahat ng gustong magsuicide ay gustong magpakamatay, ang iba gusto ng tulong at pagasa sa buhay. 

MGA SENYALES NA MAGPAPAKADEADS NA SILA:
1. Si Kamatayan ang Topic
“Sana hindi nalang ako ipinutok ng tatay ko”, "sana pinatay na nilang nila ako with feelings”. Yan ang mga words niya. 
2. Sulit.com (Deadly Karet Edition)
Sa pag aatempt na mamatay, naghahanap sila ng mga matutulis na bagay, blade, lason, nakakasunog at iba pa.
3. Sulat ng pagBye-Bye.
Nagsusulat ng mga death note or tulang sawi sa buhay. Nakikipagtransaksyon na kay San Pedro para iopen yung door ng heaven ng maaga. 
4. NegaStar Na Siya.
Puro negative na ang mga pinagsasabi. Ayaw ng kumilos. Nawawalan ng gana. Sobrang depressed.
5. Sinisisi ang Me, Myself & I. 
"Sana hindi ko ginawa to. Ang shionga shionga ko". "Wala na akong ginawang tama." yan yun.
6. NagpaPack-up na sa Buhay
Gumagawa na ng Last will and testament. Nilalagyan na ng grease yung lubid para di masakit.
7. Farewell mode
Nagbibigay lang ng medyo pasikretong pamamaalam sa mga malalapit na kaibigan o kamag-anak. Mahilig sila mangsurprise. Joke.
8. Bigla-biglang nawawala
Mas pinipiling mag-isa nalang sa bahay. Iniimagine ang mundo kapag wala siya. 
9. Shapu pa 100x siya
Umiinom ng alak. Ang chaser ay muriatic acid. Nakikipag talik sa may aids sa rotonda pasay at makati. 
10. Ang labo ng Trip
Yung pagkatapos ng kanyang depression, bigla-bigla siyang mananahimik or tatawa. 



Pwede nating tanungin sila kung bakit niya gustong magsuicide. Huwag natin silang tatanungin ng "kung mamatay ka bukas, bakit hindi pa ngayon?. Wag ganun. Kausapin ng maayos para gumaan ang pakiramdam nila. Pwede nating siyang tanungin, ano ba ang maitutulong natin sa kanila. Sabihin na, Hindi ka nag-iisa sa mundong ito. Mahal kita. Ikaw lang at ako ang nag-iisang dibdib. Lumayo tayo sa mundong ito. Gawin natin yung mga bagay na makakapagpasaya satin gaya nung lasing tayo. hahahha oooops sumobra na ata ako. 


 #September #AwarenessMonth #Suicide



1 comment: