Napakaganda ng philosophy sa buhay ng Comedy Guru na si Joey De Leon. Malamang kung ito ang simpleng pamantayan mo sa buhay. Para sa akin, successful ka na. Ito ay ang kanyang malaking TITE. Ito ang pinanghahawakan niya, LAGI. Pramis. malaki ang naging experience niya sa TITE niya. ang TITE niya ay “Trabaho, Ipon, Travel, Enjoy". Hindi naman siya bastos eh. hindi naman TITI eh. haha
Seryoso. Ang istorya daw ng lahat ito ay matapos niyang magpakapagod sa trabaho, lumalayas siya ng bansa upang bumiyahe. Magtravel. Hindi ito yung pagbibiyahe ng mga pusher kundi ito yung movement of people between relatively distant or locations. Pumunta siya sa Holy Land kasama ang asawang si Eileen Macapagal at mga kaibigang Mike Enriquez at Danee Samonte.
Nabanggit pa niya. Walang night life si sir joey noon. Hilig niya talagang magtravel. At ang sabi ng kanyang tatay dati sa kanya. "A good life is expensive there is something cheaper but it is not life". Wag kang magtipid basta tungkol sa kaligayan at learning. Dun ka. Enjoy life. Ang sarap magbiyahe. Naeexcite tuloy ako lumayas ng bahay. Dati malupit ako eh, gagawa ako ng paraan kung paano lalansihin ang aking nanay para lang makagala. hahaha
Sobrang dami ng itinuturo ng pagbibiyahe. Same lang yan sa biyahe ng buhay. Hindi mo pwedeng husgahan ang destinasyon. bakit sino ka?
Hanggat hindi mo pa siya napupuntahan at naitatapak ang mga paa mo doon. manahimik ka muna. Mas maaappreciate pa naten ang resulta kung mas iaappreciate ang biyahe. Kasi ganyan naman talaga ang buhay eh, talagang sobrang labo sa una. Sobrang gulo sa una. Sobrang nakakadismaya sa una. Pero
kapag na-overcome mo na lahat ng ito, tuloy tuloy na ang magandang biyahe.Hayaan nating masilayan ang ngiti ng mga araw. Usok ng kalsada. Sigaw ng mga vendors. Alok ng mga tindero. Disgrasya sa kalye. pero wag naman. Knock on wood.
Minsan nga mas masarap pa mag isang bumiyahe eh. Opinyon ko lang naman yun. Yung moment na parang smooth ung beat ng puso mo kasi payapang payapa lahat. Yung saglit mong nakalimutan yung stress sa trabaho. Pinatay mo yung tawag sayo ng boss mo. Mga ganun.Sa kwento kong ito, nasesense ko na yung completion eh.
Kapag mag isa ka nga. Love na love mo yung sarili mo. Yung oras mo, napakahalaga para sayo diba.
Pero lagi kong tinatandaan ang payo sa akin ng nanay ko. Saan man daw ako mapadpad. Sino man ang maging karelasyon ko. Mawalan man ako ng pera sa biyahe. Wag na wag daw akong mahihiyang magtanong ng direksyon. Ibig sabihin, di natin alam kung ano ang ibibigay ng future eh. Minsan kahit religious ang nanay ko. may inspirational talk din to eh.
Wala tayong dapat ikatakot. Kasi nga biyahe lang ito. Mga taong makakasama mo sa buhay, kailangan din natin humingi ng payo sa kanila or direksyon o sa madaling salita guidebook.
Kaya ako, sisimulan ko ng mag-ipon para sa pagttravel. Naeexcite na ako kasi magdedecember na. At gusto ko din, dun ako magsulat ng blog ko sa pupuntahan ko. Ang saya diba. kakaibang dimensyon. Kakaibang ligaya. Kakaibang happiness ng coke ituu.
Tara na biyahe tayo.
No comments:
Post a Comment